Feb 21

The New Security Bank

BetterBanking


Feb 13

Experience Better Banking with Security Bank


Feb 13

The 2014 PBA Philippine Cup Finals!

image

Laban San Mig! Overcome kontrapeloness sa Rain or Shine, hehe.

image


Feb 07

Perseverance, Study Well and Good Sleeping Habits - Tado (1974 to 2014)

Nakakalungkot. Nalulungkot talaga ako. Kung tutuusin, walang dahilan para malungkot. Ano nga ba naman ako kay Tado? At si Tado ang hindi katutuwaan ng mga matatandang kumbensyonal. Pangalan pa lang, tarantado na.

Pero kung tutuusin uli, si Tado ang kabataan ko. Kung paano ako makipag-usap, magpatawa at magbigay ng payo sa mga kakilala ko, porsyento ng istilo kumbaga ay nanggaling kay Tado. Una kong nakilala si Tado sa palabas na “Strangebrew.” 2nd year high school ako noon na pa-3rd year na rin. 2002. 14 na pa-15 years old ako. Ang episode ay tungkol sa mga hinete at tubero yata. Hindi ko na rin talaga maalala, baka napaghalo ko. Sa isang eksena kung saan kinakapkapan yung bag niya, kung ano-anong gamit ang nakita sa kanya. Akala ko seryoso pa ang palabas na iyon pero nang makitaan siya ng bold na VCD sa bag niya, naisip ko na ayos iyon, ito na ang bagong paboritong palabas ko. Nakakatawa ‘to. Tamang-tama kasi hindi ako mahilig sa cartoons. Ito ang palabas na para sa akin. Cool pa ang Channel 37 noon. Yung UNTV ay Un-TV at hindi YU EN TI BI. TV station ng rock station na NU.

image

Nang makilala ko na si Tado, hinanap ko na ang mga ibang raket kung saan siya lumabas. Hinanap ko siya sa mga MTV ng Parokya ni Edgar at ng iba pang banda. Sa music video na Nerbyoso ng Rivermaya makikita siya na maikli pa ang buhok. Dahil na rin siguro na nagkaroon ng cult following ang Strangebrew, naging ekstra siya sa mga baduy na palabas ng ABS-CBN. Yung noontime show nila dati at iba pa gaya ng mga Art Jam, yung sitcom, basta marami. Tuwang-tuwa ako nang makita ko siya sa Epol Apple na nakatali ang mahaba niyang buhok.

Naging parte rin syempre ng buhay natin ang Brewrats. Yung radio show nila nina Angel Rivero na Erning sa Strangebrew, na driver ng beetle niyang si George, at Ramon Bautista. 9 to 12 a.m. yata ang unang timeslot noon at pinagpupuyatan ko. Minsan nagtataka na lang ang mga magulang ko bakit ako tumatawa mag-isa. Nakikinig kasi ako ng programa nila. Isa rin sa mga highlight noon ay nang gumawa sila ng radio drama na parang sa mga AM station. Classic. Siya si Efren Reynes III. Hinding-hindi mapapantayan. Dun lang makikita ang mga listeners na tumatawag para lang bagsakan ng telepono. “Bang the phone!”

Isa sa mga mga pinagsisisihan ko ay nang hindi ako nagpadala ng entry noong time na humihingi si Tado ng parang essay tungkol sa buhay niya sa gagawin niyang pangalawang libro na ang kinalabasan ay  parang eulogy niya. Putsa, naisip niya na yun.

Kaya Tado, ito na yung essay. Ito na ang entry na hindi ko naipadala sa bigtimetado@gmail.com. Tama ba ang e-mail? Sayang hindi mo na masasagot.

Dalawang beses ko lang nakita si Tado. Nakakatuwa na sa dalawang beses na iyon, nakausap ko siya ng parang normal na magkatropa. Una ay nang magpunta ako sa unang pwesto ng sikat na tindahan niya na Limitado sa may N. Roxas sa Marikina. College ako noon. 3rd year yata. Bumili ako ng t-shirt niya na hindi maaaprubahan ng mga matatanda. Yung “Di bale nang tamad hindi naman pagod.” Nang pinili ko iyon, sabi niya, “Yan! Okay na okay yan!” Syempre natuwa ako noon. Naalala ko rin, yung time na yun, yun yung nag-Oakwood Mutiny si Senator Trillanes kaya nang napunta ako sa tindahan niya, sabi niya “buti dito kaya nagpunta sa Oakwood, tama dito ka na lang.” At dahil taga-PLM ako, nakwento niya rin na nag-stay siya sa may Intramuros. Nag-squat din daw siya dati. Isa pa sa mga eksena noon ay nang tawagin niya yung kasambahay niya para magpaload. Akala ko basta nakikita sa TV, nakalinya na. Siya nagpapaload. Natapos ang usapan namin noon sa isang apir. Apir na parang apir na ginagawa niya sa mga nakakasalamuha niya sa Strangebrew. “Apirrrrr!” Ganoon ang ending.

Sa pangalawang punta ko sa Limitado, wala siya pero nabili ko na ang Ninoy Aquino-inspired niya na damit na “Hindi Ka Nag-Iisa.”

Pangalawa ay sa librong “1974 to ?” Nakakalungkot kasi, dalawang taon na lang pala ay masasagot na ang kung ano man ang nasa tandang pananong na iyon. 2014. Buti na lang at nakabili ako noon at napapirma ng may dedikasyon pa. May picture pa kami together. Binili ko rin yung una niyang libro kaya lang hindi ko na makita. Hindi na yata naisoli ng panganay kong kapatid. Sa dedication niya, ang spelling ng Marco ay K imbes na C kaya ang bungad ng message ay “Pd na yan” ang buong message ay:

Marko,
<3

Pd nay an, Read mo to Para Close tyo Ido
Getting to know me more

Pagtapos nun, signature niya na at address ng business niya. Na-Ondoy kasi ang unang site ng Limitado at lumipat na sila. Nandoon din ang mga Facebook page ng negosyo at ng asawa niya na si Leiz. Ang kulit. Tapos yun, yung picture na namin. Napansin niya rin pala ang suot ko nun na Los Angeles Lakers na t-shirt.

image

Nitong huli, bihira na makita si Tado. Hindi na ganoon kadalas. Pinafollow ko pa rin siya sa mga social media sites niya at napapangiti pa rin ako. Huli kong nakita ay yung nagjojoke siya na nagpapamake-up siya. Tinanong kung North or South na syempre, patungkol sa sementeryo. Parang pahiwatig na. Pero ayaw kong isipin na pahiwatig yun kasi corny ang dating. Kasing-corny ni Vice Ganda na nakaaway niya sa Showtime. Yun ang tuwirang representasyon ng kaastigan laban sa kabaduyan. Tado laban kay Vice Ganda.

Nang malaman ko na wala na si Tado, nasa jeep ako. Tinext ako ni Eds. Dalawang araw bago mangyari ang hindi katanggap-tanggap, binasa ko pa uli yung Bio-Eulogy niya.

Nung lumipat na ako sa tricycle papunta sa bahay, naluha ako. Aaminin ko, naluha ako. Kahit pa para akong gago o mas bagay, tarantado.

Sayang ka Tado. Sayang. Wala na ang magiging katulad mo.

image


Jan 26

Mark and Andy

image

image


1
Jan 18

What if all ten PBA teams have their own home courts?

All ten PBA teams having their own home stadiums just like in the NBA, I suppose will forever remain a dream. The defunct MBA had done that before but it was not as captivating as what I thought it would be because its teams only played in small gym-like arenas and almost all of the teams did not transform the design of those stadiums according to their branding.

Realistically speaking, there is just no reason for the PBA teams to have their own stadiums each. They represent companies and not a particular city. And ever since the creation of mankind, our country has only produced two first-rate stadiums. I think it would be pretty difficult to build eight more in a jiffy.

But just in case a miracle happens and the economy of the Philippines grows by 873% that will make it easy for team owners to splurge on worthless stuff like having their own separate PBA coliseums, here are my proposed ideas on how each team’s courts would look like:

By the way, before anything else, I would like to thank Darth Brooks of Deviant Art for the basketball court PSD model! You the man, Darth!

Barangay Ginebra San Miguel
Arena: Robert Jaworski Coliseum

image

Read More


4
Jan 11

San Mig Super Coffee Mixers Nickname Jerseys

The NBA has this new gimmick of putting players’ nicknames or monikers on the back of their jerseys instead of the usual surnames. The first two teams that were victimized by the league — and adidas — to wear these are the Miami Heat and the Brooklyn Nets.

I don’t really like these but it is not really that bad. That “J.Shuttlesworth” jersey of Ray Allen is worth owning as He Got Game, the movie in which he played the character written on the back of his jersey is one of my all-time favorites.

So what if our very own PBA emulate this gimmick? How would it look like? Ito, gumawa ako ng para sa paborito kong San Mig Coffee Mixers.

image

image

Photos courtesy of InterAKTV.


Jan 05

Manila Clasico

image

It’s Manila Clasico once again. San Mig Coffee vs. Barangay Ginebra San Miguel. B-MEG Llamados vs. Barangay Ginebra Kings. Purefoods vs. Añejo. Now, cellar dwellers vs. league leaders.

Every time these two teams meet, regardless of their records, we know it is going to be a classic. As classic as the classic Game Boy.

image


Jan 04

T-Shirt Happy: ‘April Boy Regino has three words for yah: Hapdi at Kirot!’

There was a certain point in time that I became a fan of the World Wrestling Entertainment. A casual fan that is. That was almost a decade ago. Few of the more popular wrestlers back then were the half-Filipino Batista, Rey Mysterio with his luchador image, and of course John Cena (I still have my two Greenhills Cena shirts) along with the then already legends like The Undertaker, Heartbreak Kid Shawn Michaels and Triple H. You can include Funaki too. One of the exciting highlights during that era was the reformation of, debatably, the entertainment company’s most popular stable, the D-Generation X with its two original founders, HBK and The Game at helm.

On the other hand, there was certain point in time that each and every natural-born Filipino citizen became a fan of the LeBron James of Filipino novelty songs (Yoyoy Villame and Fred Panopio are the Michael Jordan and Kobe Bryant of novelty Filipino songs respectively). There’s Max Surban, there’s Vhong Navarro, there’s that Jireh guy who wrote Buko and there’s even Parokya ni Edgar but there is no replacing, Ang Idol ng Bayan, April Boy Regino when it comes to Pinoy novelty songs. Just like HBK and Triple H, April Boy had his own stable along with his two brothers Vingo (who really looks like Terrence Romeo of GlobalPort) and Jimmy, The April Boys that were first introduced in 1993.

Now, I am more than euphoric to own this one of a kind shirt created by the ever amazing Ekoy.was.here.shirts. This serves as a mark of honor and distinction to both D-Generation X and April Boy Regino. The design was based on one of DX tag team revival shirts released by WWE back in 2007 but this time, Ang Idol ng Bayan is in the middle. All of the characters printed on the tee are doing their signature gesticulations; DX doing their wicked crotch chop and the cartoonized April Boy doing his infamous X motion every time he croons the chorus of his 1997 hit, “Di Ko Kayang Tanggapin” off the album Jukebox Idol.

The shirt is still available but now on tremendously limited basis. You may still reach “Ekoy” via its Facebook page: https://www.facebook.com/ekoy.was.here.shirts

So now, are you ready? I said, are you ready? And if you’re not down with that, April Boy Regino has three words for yah: Hapdi at Kirot!

image


Jan 01

Welcome, 2014!

"Let our New Year’s resolution be this: we will be there for one another as fellow members of humanity, in the finest sense of the word." — Goran Persson

Hindi ko kilala si Goran Persson. Happy new year!


Dec 31

The 2013 Marco Jose Manipon Photos of the Year

Thanks to Instagram, I somehow pulled off my circa 2009 self. My 2009 version is comparable to almost all of us casual people these days; we all take pictures for our status on social media’s sake. Before, I was doing it for the now non-operational Multiply and today, we are all doing it for Instagram, or yes, the current generation mobile phone friendly Facebook and Twitter.

As a result, I have taken a lot of photos this year using my old digital camera and my two handy dandy mobile phones making it difficult for me to select my top photos of the year. Something that I started doing since — bang, nice segue! — 2009.

Let’s begin.

The Corned Beefs

image

It was an honor for me to be a part of an award-winning dance group. As baduy as it may sound, yes, I am so proud of myself even if I just laughed during the performance.

26th Birthday

image

I celebrated my birthday at home with my Eds and the whole family. It was fun as always. Dexter Pizza’s Shawarma Pizza is the bomb.

Ang Tunay

image

The tradition lives on but this time, my father and I’s annual chow became more special because my mother and my Eds joined the fun.

Peanuts Christmas Town

image

Snoopy and the whole Peanuts gang are a major part of Eds and me. And we felt a lot of joy when we had the opportunity to have a picture taken with Lucy, Charlie Brown and of course, Snooooooopy!

FIBA Asia

image

One of the most memorable moments of the year, not just for sports but for the entire country was Gilas Pilipinas’ triumphant campaign during the FIBA Asia that was held in the country that earned them a ticket for the FIBA World Cup next year. However, I was there when the team suffered its first defeat at the hands of Chinese Taipei. But the experience was definitely great.

Pililia

image

Eds and I participated in the greening outreach project of the company we are working for that was held in Pililia, Rizal last July. We planted trees. The experience was cool even though the temperature that day was not.

PBA

image

Although I have been to a lot of live PBA games before, it was only this year when I got the chance to watch the games courtside; just a stone’s throw from the players. I even had a picture on center court that not everyone can have.

Linkin Park Live in Manila!

image

Childhood dream realized. Mike, Chester and the whole band were on the same arena as I was. You know, I’m like steps closer to the edge and I’m about to …

1st Anniversary at Magnolia House!

image

My Eds and I celebrated our first year together with a platter of ice cream at the fabled Magnolia House. This is the first and the last time we visited the Ice Cream parlor as the store stopped operations this year.

Baguio!

image

We went high up north to attend my cousin Alaine’s wedding. It also served as a vacation for me and my Eds and almost the whole family. The bonding time was great!

image


Dec 31

The Corned Beefs

Hindi ako mahilig umindayog. Wala akong talento at mayroong taong nababagay para sa mga ganitong uri ng aktibidades.

Gayunpaman, masasabi ko na isa sa mga highlight ng taong ito ay nang mapabilang ako sa isang dance group na akalain mong nanalo pa sa isang kompetisyon ng pagsayaw at ang tinalo pa ay mga kababaihan.

image

Ito ay parte ng Christmas Party ng aming dibisyon sa opisina bilang parusa sa mga baguhan at sa mga iba pa na hindi pa nararanasan na magpakita ng talento sa harap ng mga manonood na handang tumawa sa iyong gagawin.

Dahil sa aking dedikasyon, ako pa ang nagpatong-patong ng musikang ginamit sa pagsayaw namin at inedit ko pa ang video ng aming pagtatanghal na inyong mapapanood sa ilalim.

Sana ay magustuhan ninyo ito. Sana magustuhan ninyo ang talentong ihahandog ng The Corned Beefs.

image


Dec 21

T-Shirt Happy: ‘Lakersified’ San Mig Super Coffee Mixers Logo Shirt

T-Shirt Happy is a segment of this nonsense Marco Manipon’s Bobo Blog that talks about, you nailed it, t-shirts.

Well, it was just a concept about a week ago but now it’s an actual shirt. This is the Lakers-inspired San Mig Super Coffee Mixers logo.

And now it’s confirmed, it looks good on a shirt.


Dec 21

The Marco Manipon Chicken Barbecue

image

It’s Christmas time! Fire up the grill and eat the bobo way. Happy Holidays!

Ingredients:

Chicken. Any part you like. It depends on you and on what is available in your nearby talipapa. The more Instagrammable chicken part, the better.

Soy Sauce. I use Kikkoman because Atami is too mainstream.

Lemon. If you like to use dalandan, it is really up to you. Just don’t use avocado.

Cayenne Pepper.

Paprika Powder. I honestly don’t know its purpose.

Chili Flakes. To add heat.

Brown Sugar.

Thyme

Rosemary

Garlic Flakes

Ketchup

Cola. I use Coke. You can use RC or Jolt if you like. It’s up to you.

Salt and Pepper to taste

Directions:

1. Just throw all the ingredients in a container and mash them passionately and romantically ([bleep] measurements) as if you are about to feed your favorite pet. Do not forget to wash your hands. Remember, you will do it romantically. Leave the marinade inside your pridyider overnight.

2. Assemble your griller. Buy some charcoals. Padingasin (this is the hardest part). After that, grill your chicken until it becomes edible-looking. For a more cooking show feel, wait until it is golden brown.

3. Pray.

4. Eat and post the pictures or create a blog just like this one.

Nutritional Facts:

You’re in the wrong blog if you’re looking for nutritional facts.

image


Dec 14

T-Shirt Happy: “Nougats No Glory” tee by Ekoy.was.here.shirts

T-Shirt Happy is a segment of this nonsense Marco Manipon’s Bobo Blog that talks about, you nailed it, t-shirts.

This exceptional t-shirt is a tribute to one of the most underrated candies in the history of the Republic of the Philippines and also serves as a mark of respect to the bible of air-to-combat, a 1955 fighter tactics manual penned by Major General Frederick C. Blesse of the United States Air Force.

Nougats, No Glory!

image

The shirt is created by “Ekoy.was.here.shirts” which I discovered because of the evil director, RA Rivera. Aside from this sweet treat, you will also find other cool and witty shirts that you will never see anywhere else. Unfortunately, his shop will close early next year. So hurry up and like its Facebook page and cop a ‘Nougats’ shirt while supplies last and make yourself available at Glorietta from 6:30 to 7:00 pm!

Like: https://www.facebook.com/ekoy.was.here.shirts

image



1 2 3 4 5 6 7 8 9